Abante Tonite Interactive

Boracay ginawang kubeta ng Chinese

0 640

Umani ng katakot-takot na batikos mula sa mga netizen ang isang babaeng Chinese national na nakitang nagpapatae ng kanyang anak sa maputing buhangin ng Boracay Islands

Nakunan ng video ang ginawa ng dayuhan na pagpapadumi sa kanyang anak at nang matapos dumumi ang bata ay tinakpan nito ng buhangin sa may pang­pang ng dagat.

Nalaman na pinagsabihan ang babae ng ilang turista na pawang kinabibilangan ng ibang dayuhan at Filipino subalit dedma lang ito at itinuloy ang pagtatae sa anak.

Nakita rin na sinundan pa ng lola ng bata ang mag-ina at hinugasan pa sa dagat ang suot na underwear ng bata na may dumi.

Nakita umano ito ng nag- post na isang alyas ‘Grace’, nagtatampisaw sila sa Station 1 nang mamataan ng kanyang kaibigan ang dayuhan na pinadudumi ang bata sa buhangin ng dagat.

Sa pagkadismaya agad na umahon si Grace at naligo na lamang sa kanilang hotel at saka pinost ang nakita sa social media.

Sinabi ng netizen na si Jello Macabuhay: “Nakakadiri!!! Pinaghirapan linisin ang Boracay ng 6 months tapos bababu­yin lang ng turistang gaya niyan.Dapat parusahan ang ina.”

Ayon naman kay Jaysylm Uy: “Kainis !!!! Huwag na ka­yong pumunta sa foreign country kung di niyo kayang madi­siplina at sumunod sa mga basic rules. Dapat sa mga ito dini deport agad.”

Isa namang netizen ang nagsabi na “bwisit itong babae na to dapat ipakain sau ang dumi ng anak mo.”

Ilan pang netizen ang nagbi­gay ng negatibong komento sa ginawa ng babaeng dayuhan.

Ang mga Chinese na top violator sa mga ordinansang pinapatupad sa Boracay.

Hindi nakaligtas kay Tourism Sec. Bernadette ‘Berna’ Romulo-Puyat ang insidente. “This was an unfortunate incident but we will not tolerate those who violate the law,” sabi pa nito nang kunan ng reaksyon.

“We encourage the public, who might witness similar incidents, to immediately report offenders to the proper authorities so that they can be promptly apprehended and fined accordingly. We will continue to coordinate with the tour ope­rators and travel agencies in informing our tourists of the pro­per travel eti­quette when visi­ting the Phi­lippines and the corres­ponding fines and punishments if these are not followed,” paha­yag pa ng kalihim.(Juliet de Loza-Cudia)