Abante Tonite Interactive

Bordeos aagawan si Oconer

308

Tarlac City – Buo pa rin ang loob ni Stage 1 winner Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army na kaya pa nilang umahon sa LBC Ronda Pilipinas 2020 10th anniversary race.

Kailangan lang ng sapat na tulong ni 27-year-old Bordeos sa kanyang mga ­kasangga upang makapanalo muli ng stage at mabawi ang Red Jersey na hinablot ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy.

“Mahaba pa ang karera, tiyempuhan lang kapag nakakita kami ng pagkakataon, pasukin namin. Kung nagawa kong maging lider ng dalawang beses, bakit hindi ko mauulit,” ani Bordeos.

Nahubad ang Red Jersey kay Bordeos nang dominahin ng Navy ang 128,5 km Lucena-Antipolo Stage 5 sa event na ­inorganisa ng LBC sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

May aggregate clocking na 17 oras, 54 minuto at 13 segundo si Oconer, nasa pangalawang puwesto si 2018 champion Ronald Oranza, tersero si Ronald ­Lomotos, pang-apat si John Mark Camingao ­habang fifth at sixth sina Junrey Navarra at El Joshua Carino ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)