Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Border control kontra Delta plus ilalatagng IATF

0 131

Tinatalakay na ng Inter-Agency Task Force ang posibleng pagpapatupad ng border control para hindi malusutan ng Delta plus variant na umaatake ngayon sa ilang bansa sa Europa at Russia.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante ng National Task Force Against Covid-19 na pinag-uusapan na sa IATF ang isyu para makasigurong hindi makapasok sa bansa angbagong variant ng COVID-19.

Inaalam na aniya ng IATF kung ano-anong mgabansa ang dapat na ilagay sa mahigpit naborder control para mabantayan ang mgapasaherong papasok sa bansa.

“They are now talking about that. Ang hindipa lang klaro dito kung anong mga bansatalaga na meron naitalang sub variant ng Delta variant,” ani Solante.

Bagama’t bumaba na ang alert level at may bahagyang pagluluwag na sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa, sinabi ni Solante namahalaga pa ring sumunod sa health protocols para maiwasan ang posiblengpagtaas ng mga kaso sa COVID-19.

Papasok na aniya sa fourth quarter kung saan isa sa mahalagang panahon para sa mgaPilipino ang holiday season kaya hindidapat ma­ging kampante, bagkus ay mag-ingatpa rin dahil sa nananatiling banta ng COVID-19.

“Papasok na tayo sa last quarter of the year, maraming gathering, pupunta sa malls sa christmas so siguro hangga’t hindi natinnalalaman ang extent nitong sub type na Delta variant mag-ingat pa rin tayo,” dagdag ni Solante. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.