Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Border control mas hinigpitan kontra variant

0 91

Nagpatupad ng mas mahigpit na hakbang ang gobyerno laban sa pagpasok ng Delta COVID variant sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpalabas ng reso­lusyon ang Inter-Agency Task Force para mas higpitan ang border control lalo na sa mga pumapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Roque, lahat ng mga biyaherong papasok sa bansa ay kinakaila­ngang magpakita ng katibayan na sila ay nagmula sa bansang nasa green list, ganap na bakunado maging sa Pilipinas o sa pinanggalingang bansa at sumailalim sa 7 day facility-based quarantine at RT-PCR testing sa ika-limang araw.

“International arriving passengers to the Philippines, regardless of point of entry, need to undergo a 7-day facilit based quarantine and RT-PCR testing on the 5th day. These passengers must, however, meet all the following conditions,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.