Abante Tonite Interactive

Borloloy!

333

AYOS BA?
CARLITO EVANGELISTA

Likas sa mga lalaki, at mapababae rin, na magpaborloloy ng kanilang sasakyan, lalo na nga kung ang kanilang mga katropa ay may ganito ring ugali.
Kadalasang natiti­gil lamang ang pagborloloy sa sasakyan kapag ang may-ari nito ay nagkakaedad na o kaya naman ay nasita ng siyota o asawa.
Sa kasalukuyan, ang mga modelong top of the line na mga brand new na sasakyan ay puwedeng hindi na bihisan dahil halos kumpleto na ang accessories ng mga ito.
Pero sa mga hindi na masyadong modelong pre-owned cars, aba’y miski ako ay kumbinsidong bihisan ang mga ito upang maging pogi.
Karaniwan sa mga unang binabago sa mga sasakyan ay ang stereo, kung saan, unang gagawin ay ang pagpapalit ng head unit, speakers at paglalagay ng sub-woofer.
Matapos ito ay susulyapan naman ang mga gulong para palitan ang mags ng 17 inche­s sa kotse at 20-22 inches naman sa SUV.
Kapag lumaki ang espasyo sa pagitan ng gulong at body ng sasakyan, kakabitan ng body kits o kaya ay ilo-lowered ang suspension upang magmukhang singkit.
Ordinaryo na lang ang pagkakaibit ng rain gutter, headlight/tail lights cover, na kung hindi silver ay matte black ang kulay.
Marami pang borloloy na puwedeng ikabit sa iyong sasak­yan na hindi mo halos namalayan na ang ginastos mo na pala ay puwede nang pang-down payment sa isang condo.
Ayos ba?