Abante Tonite Interactive

Bos Alex Fastest Win 1-Cock Ulutan ngayon

473

Sa nakalistang 150 entry, maaga ang umpisa ng “Bos Alex Fastest Win One-Cock Ulutan” ngayon (Sabado) sa fully air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Alas-siyete nang umaga ang umpisa ng unang sultada sa pasabong na ito ni coliseum manager Alex Tobias na may premyong P60,000 at entry fee na P600.

Bandang alas-dos nang hapon naman ang sagupaan sa Pitmasters Live kung saan puwedeng makibahagi sa aksyon sa 12 betting kiosks.

May meryenda rin ang LPC ma­nagement sa lahat ng dadalo sa Pitmasters event.
Sa Enero 28 ang Kaibigan ng Las Piñas 3-Cock Derby nina Eddie at Atty. Jerome Alejandro.

Habang sa Marso 11 ang Happy Birthday Papa Mayor 3–cock derby ni businesswoman Budjit Aguilar.

Makakabatid ng iba pang mga detalye kina Grace 1 sa 8873 1040 at 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455, at Julius sa 0915-3582076. (Enjel Manato)