Abante Tonite Interactive

Boso king

694

Wala na yatang tatalo pa sa pagkahilig sa lalaking katabing kuwarto ko sa inuupahan kong unit sa San Juan City.

Nangungupahan ako sa isang barangay sa San Juan dahil dito ako nakadestino bilang agent ng isang insurance company.

Isang taon ang kontrata ko pero isang buwan ko pa lamang ay napansin ko na ang kakaibang ugali ng lalaking malapit sa aking unit.

Itago natin siya sa pangalang Raymond, mukhang nasa edad 25-30. Matipuno at maganda ang kulay ng balat bukod pa sa mukhang misteryoso dahil hindi nagsasalita.

Ang hindi ko lang magustuhan ay ang madalas niyang pagsilip sa akin, lalo na’t naka-sando at short ako. Naku halos malag­lag ang panga niya sa pagsulyap sa akin at ang matindi wala siyang paki kahit tinitingnan ko na siya ng masama.

Sa init ng panahon ay talagang labas balat kasi lahat halos ng kasuotan ko.
Kaya imbes na sitahin ko siya ay dedma na lang ako baka ibalik pa sa akin ang sisi dahil sa panggahasa kong mga datingan.