Abante Tonite Interactive

Boss, sidekick swak sa P.2M marijuana

318

Swak sa kulu­ngan ang isang lalaki na kung tawagin ay ‘Boss’ at ang sinasa­bing sidekick nito nang kumagat sila sa ikinasang buy-bust ng mga awtoridad at makum­piskahan ng umaabot sa P240,000 pinatuyong dahon ng marijuana sa Quezon City kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Police Station 4, ang nadakip na sina Fernando Nuez alyas ‘Boss’, 21, ng Novaliches, QC at Ruperto Perona alyas ‘Badong’, 25, ng Taguig City.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang madakip ang dalawa sa Interville 3 Subdivision Elgin St., Brgy. San Agustin, Novaliches.

Napag-alaman na ilang araw ding isinailalim sa surveillance ang dalawa bago ikinasa ang buy-bust.

Narekober mula sa mga suspek ang 2-kilong pinatuyong marijuana, digital weighing scale, cellular phone, Toyota BB at ang buy-bust money. (Dolly Cabreza)