Abante Tonite Interactive

Boss Vic dedma sa paglayas ni James

856

Sinubukan naming kunin ang panig ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario sa pag-alis ni James Reid sa poder nila.

Ayaw nitong magkomento at sa halip ay maglalabas umano ang Viva ng official statement hinggil dito.

Kung si James ay kumalas na sa bakuran ng Viva, sumunod kaya sa kanya ang kasintahang si Nadine Lustre? Malakas ang impluwensiya ng singer-actor sa kanyang kasintahan?

Ang Australian dad ni James na umano ang mamahala ng kanyang career ngayong wala na ito sa pangangalaga ng Viva.

Ano naman ang alam ng ama ni James sa kalakaran ng showbiz sa Pilipinas?

Kung matatandaan pa, walang nangyari sa career ni James nang siya’y tanghaling big winner ng Pinoy Big Brother: Teen Clash in 2010. Nabago lamang ang estado ng kanyang popularidad nang siya’y mapunta sa pangangalaga ng Viva at ipareha kay Nadine sa pelikulang “Diary ng Panget”.

Bukod sa pelikula, binigyan din sila ng solo albums at pinagsamang sold-out concerts sa Big Dome (Araneta Coliseum) nung 2016 and 2018 at hit teleseryeng “On the Wings of Love” na sinundan ng “‘Til I Met You”.

It was in February last year nang itatag ni James ang sarili niyang kumpanya, ang Careless Music . Gusto niyang mag-focus dito.

In the next couple of months ay doon lamang malalaman kung kaya nang tumayo ni James on his own nang hindi niya kakailanganin ang tulong ng kanyang (dating) home studio..

***

Gina Lopez pumanaw na

Nakakabigla ang maagang pagpanaw ng kilalang environmentalist at philanthropist na si Gina Lopez kahapon, Lunes, August 19 sa edad na 65.

Inilaan ni Gina ang kanyang buhay sa pagtulong sa kapuwa at pangangalaga ng kalikasan. Siya ang bumuo ng ABS-CBN Foundation, Inc.

(AFI) na maagang nagbibigay-tulong sa mga biktima ng iba’t ibang sakuna at kalamidad. Siya rin ang nagtatag ng Bantay Bata Foundation na sumasagip at tumutulong sa mga abused children. Siya rin ang nanguna sa kampanya ng paglilinis ng Ilog-Pasig at La Mesa watershed. Napakarami ng kanyang adbokasiya na may kilaman sa environment at sa pagtulong sa kapwa kahit hindi siya isang public servant.

Si Gina sana ang perfect choice na mangasiwa ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) pero hindi ito nagpatuloy dahil sa personal na kadahilanan ng maraming mambabatas na kasama sa Commission on Appointments dahil maaapektuhan ang kanilang mga negosyo. Pero hindi nagtapos doon ang patuloy na pagtulong ni Gina na mapangalagaan ang kalikasan sa Pilipinas.

Alam ni Gina kung ano ang buhay ng isang hikahos dahil ginawa niya ito sa loob ng isang taon niyang pamamalagi sa slum areas ng India . Doon nagsimula ang kanyang adbokasiya na makatulong sa kanyang kapwa lalo na sa mahihirap.

Maging ang kanyang “G-Diaries” TV program ay naka-sentro sa eco-tourism at pagtulong sa iba’t ibang komunidad na maging self-reliant.

Hindi ginamit ni Gina ang marangyang buhay ng kanyang pamilya para maging gahaman .Sa halip ay siya na rin mismo ang nagbalik nito sa mamamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng tulong at adbokasiya .

Isang malaking kawalan si Gina hindi lamang sa kanyang pamilya, mga anak at mga kaibigan kundi ng bawat Filipin na napagsilbihan niya ng kawanggawa.

Si Gina ay nakababatang kapatid ng dating chairman-CEO ng ABS-CBN na si Gabby Lopez.