Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Bossing’ tutol sa babu ni Ping

0 710

Hindi pabor ang ama ng asawa ni Marc Pingris na si Vic Sotto sa pagreretiro ng basketbolista.

Inamin mismo ni ‘Pinoy Sakuragi’ na tutol si ‘Bossing’ sa pamamaalam ng bolero sa PBA. “Actually nung sinabi ko ‘Dad, baka mag-retire na ako kasi kailangan kong asikasuhin yung business namin ni Danica, sabi niya, ‘No, huwag pa. Kaya mo pa,” kwento ni 39-anyos cager.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa katunayan ay bilib pa rin si Sotto sa kakayanan ni Ping kaya ayaw pa nitong makita na kumaway agad sa Pambansang Liga. “Huwag ka munang mag-retire. Kayang-kaya mo pang maglaro,” hirit pa umano ni Vic base sa kwento ni Marc.

Kamakailan lang ay ginulat ni Pozzorubio, Pangasinan-pride hoopster ang publiko nang ianunsyo nito ang kanyang pagreretiro matapos ang 16 taon. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.