Abante Tonite Interactive

Bossing Vic expert na sa pagpapatahan kay Baby Talitha

By

Pauleen ayaw pang magbalik showbiz

Lolit, Talitha, Pauleen at Vic
4,732

TUWANG-TUWA si Manay Lolit Solis dahil finally nakita na rin niya si Baby Talitha nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Nagkita-kita kami sa Camp John Hay dahil nagbakasyon doon ang mag-asawa para maglaro daw doon ng golf si Bossing Vic at si Sen. Tito Sotto na magni-ninong sa kasal ni Michelle Ortega kay Gen. Greg Pimentel.

Ninang din si Nay Lolit, kasama sina Pres. Rodrigo Duterte, Sec. Bong Go, Sec. Vitaliano Aguirre, si Tito Sen nga at si Cong. Imee Marcos.

Tumawag si Pauleen sa kanyang manager kung gusto raw nitong makita si Baby Talitha. Itong biyahe nila sa Baguio ay bale first road trip daw ni Baby Talitha.

Hapon na kami nakarating sa The Manor ng Camp John Hay at naabutan namin doon si Bossing Vic na nila­laro at pinapatahan ang kanilang baby.

“Mukhang young dad ka habang kalong-kalong mo si Baby Talitha Bossing,” bati ni Manay Lolit sa kanya.

Tuwang-tuwa siya dahil ang taba-taba raw ng baby, at bilib na bilib siya kay Pauleen dahil ang dami na raw niyang alam tungkol sa pag-aalaga ng bata.

“Panay siguro basa niya ng mga baby books. Nakakatuwa dahil hands on talaga sila sa pag-aalaga ng baby kahit may yaya na ito,” sabi ng talent manager/radio TV host.

Nakita nga naming palitan silang mag-asawa sa pag-alaga kay Baby Talitha, kahit may yayang umaalalay.

Ogie nakiusap kay Piolo na i-produce siya ng pelikula

HAPPY si Manay Lolit para kay Pauleen dahil nakikita raw niyang sobrang happy ito sa pi­ling ni Bossing Vic at sa pag-aalaga sa kanilang baby Talitha.

Nakita naming puwedeng-puwede nang bumalik sa trabaho si Pauleen, pero tingin daw niya baka medyo matagalan pa dahil gustong-gusto talaga ni Pauleen na personal niyang naaalagaan ang kanyang anak.

***

SA ngayon ay abala muna si Ogie Alcasid sa pagpo-promote ng Valentine concert niyang #paMORE sa February 10 na gaganapin sa SM MOA Arena kasama sina Regine Velasquez, Erik Santos at Martin Nievera.

Pero may malaking selebrasyon daw siya para sa 30th anniversary ng kanyang singing career, na kung saan magkakaroon siya ng malaking concert sa September na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa concert ay magmu-movie na rin si Ogie. Baka siya raw ang gaganap sa pa­ngunahing karakter ng Cinemalaya entry na Kuya Wes ni James Ro­bin Mayo.

Kinausap daw siya ng direktor kung puwedeng gawin niya ang naturang project dahil siya lang daw talaga ang nababagay sa role bilang si Kuya Wes.

“Nakipag-meet po ako dun sa writer at sa director. Meron silang kinakailangang budget para sa film.

“Kinausap ko si Piolo (Pascual) at si Direk Joyce, sa Spring Films kung interesado sila na mag-produce. Mag-uusap pa uli kami ni PJ (Piolo) after lang ng concert ko, to see how we can…parang may interest sila,” sabi ni Ogie.