Abante Tonite Interactive

Boteng may ihi, diaper iniwan sa Traslacion

238

Binanatan ng environmental group na EcoWaste Coalition ang mga walang disiplina na deboto na sumama sa Traslacion 2020.

Ayon sa watchdog, maraming tambak ng basura tulad ng tirang pagkain, gamit na diaper, plastic bottle na may ihi at ilan pa ang sumambulat sa Ri­zal Park matapos makaalis ang andas.

“Soon after the carriage bearing the revered image left Quirino Grandstand, we saw lots of bins and bags teeming with mixed garbage, inclu­ding sleeping materials, food left­overs, urine-filled plastic bottles, dirty diapers, and hordes of single-use plastics,” saad ng grupo.

Marami tuloy umanong mga vo­lunteer sa simbahan, eskuwelahan at kanilang grupo ang nagpulot ng ba­sura sa parke.

“Despite the signage warning visitors that the law penalizing littering is ‘strictly’ enforced in the sprawling park, some people recklessly threw their rubbish anywhere, which government workers and volunteers from church, school and environmental groups had to pick up,” saad pa. (RP)