Abante Tonite Interactive

Botika tinakpan ng tarpaulin ng kandidato

260

Mukhang despera­do na ang kandidato sa pagka-alkalde ng isang siyudad sa Metro Manila.

Eh paano ba naman kasi, kaliwa’t kanan na ang pagpapaskil nito ng tarpaulin sa siyudad na kanyang tinatakbuhan.
Pati nga ang isang botika, hindi pinatawad ng epal na politiko matapos na lagyan ng tarpaulin kaya’t umangal ang may-ari dahil sa natatakpan ang kanilang negosyo.

Ang classic dito, wala palang binigay na permiso ang may-ari ng establisimyento pero kung umasta ang mga tauhan ng kandidato ay parang sila ang may-ari nito.

Abante Hiring – IT dep

Dahil sa kabalbalan ng mga bata ng kandidato, lalong nabubuwisit tuloy ang mga tao sa kanila at hindi ito good news sa politiko.

Clue: Magaling lang magpalaki ng masel ang kandidato for mayor pero kulang naman ang puso sa serbisyo. May letrang M sa kanyang apelyido as in Mura ang aabutin niya sa mga botante.