Abante Tonite Interactive

Boto para sa Murang Kuryente Party-list

0 125

Nanawagan ang Murang Kuryente Party-list (MKP) sa milyon-milyong botante na dadagsa bukas – Mayo 13 sa lahat ng voting precincts – na kilatisin ang bawat kandidato at tiyaking may malasakit ang mga ito sa kalbaryong pinapasan ng mamamayan dahil sa mataas na singil sa kuryente.

“Bukas na po ng botohan. Sana ay ang isipin natin kung paano makakaapekto ‘di lamang sa buhay natin, kung hindi sa buhay ng bawat Pilipino sa buong bansa ang ating mga boto,” pahayag ni Gerry Arances, tagapagsalita at isa sa nominees ng MKP.

Sa daan-daang party-list group na tumatakbo ngayong 2019 elections, tanging ang MKP ang nag-iisang party-list group na nagsusulong para sa kapakanan ng mga electric consumer at itinutulak ang makatarugan, malinis at murang kuryente sa buong bansa.

Hinikayat din ng grupo ang bawat mamamayan na maging mapagmasid, vigilante at makibahagi sa makasaysayang halalan sa Lunes upang matiyak na malinis, patas at makabuluhan ang magiging resulta ng halalan.

“We’re happy to note that it looks like (the government) was able to prepare properly for the upcoming elections. Subalit kailangan pa rin nating manatiling mapagmasid laban sa mga oportunistang nais tayong nakawan ng ating mga boto,” giit ni Arances.

Nagpatawag ng press conference ang Department of Energy (DOE) noong Biyernes kung saan inanunsyo ang kahandaan ng kagawaran at tiniyak na sapat at sistematiko ang suplay ng kuryente sa araw ng halalan.

Sa kabila nito, na­ngangamba ang MKP dahil katuwang ng DOE sa kanilang programa at paghahanda ang mga dambuhalang energy provider tulad ng Manila Electric Company (Meralco) at ang Phi­lippine Rural Electric Cooperatives’ Association (Philreca) na nasasagasaan ng grupo sa kanilang pambansang krusada para mapababa ang singil sa kuryente.

“It has been shown that they (Philreca) are running an illegal campaign paid for by entities that are barred from participating financially in any electoral activity,” banat ni Arances.

Tinututulan ng MKP ang petisyon ng Philreca sa Energy Regulatory Commission (ERC) na payagan ang kanilang mga kooperatiba na ipapasan sa mga consumer ang kanilang real property taxes (RPT) o buwis.

“Huwag nating ha­yaan na maupo ang mga taong ‘di mapagkakatiwalaan sa pamahalaan. Bukas sa mismong botohan, gamitin natin ang kapangyarihan ng ating mga boto para ipakita sa mga korporasyon na ito na ang mura at mapagkakatiwalaang kuryente lamang ang dapat na­ting pag-usapan,” giit ng grupo.