Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Botohan sa 2022 bilisan para iwas COVID – DOH

0 216

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa Commission on Election (Comelec) na magpatupad ng pinakamabilis na proseso ng botohan sa halalan sa 2022 para maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19 sa mga polling precinct.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung mabilis ang magiging botohan ay hindi magkakaroon nang pagtitipun-tipon sa loob ng mga polling precinct at maiiwasan ang hawahan ng virus.

“`Pag tingnan po natin, based on the characteristics ng virus, ang sinasabi magkakaroon ka ng close contact na definition kapag ikaw ay na-exposed sa isang tao ng 15 minutes or less,” sabi ni Vergeire sa Laging Handa public briefing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pagdating aniya ng Delta variant, nawala na ang 15 minuto dahil napakabilis nitong makahawa.

“Kaya ang atin pong rekomendasyon pagkaganito, soonest time possible. Pinakamabilis na proseso dapat, hindi dapat nagko-congregate, dapat mabilis ang proseso, maayos so hindi magka-crowd ang mga tao kapag nangyari,” dagdag pa ni Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.