Abante Tonite Interactive

Bottled water ipinagbawal sa LRT, MRT

252

Hindi na puwedeng maipasok sa loob ng mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit System (LRT) ang anumang uri ng likido bilang dagdag na seguridad kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu noong Linggo.

Hinigpitan na rin ang pagsusuri sa mga bagahe ng mga pasahero kasunod ng ipinatupad na heightened alert status ng Philippine National Police.

Sa inspeksiyon na isinagawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar, ipinaliwanag nito na may mga delikadong kemikal na posibleng ilagay sa mga plastik na bote at maipasok sa mga tren, na makapaglalagay sa panganib sa buhay ng mga pasahero.

Pinaalalahanan pa ng mga pulisya ang publiko na huwag nang magpakalat ng anumang text message na magiging dahilan ng panic.