Abante Tonite Interactive

Bowles triple-double kahit nagtae

392

‘Di inalintana ni dating PBA import Denzel Bowles ang pagkakaroon ng stomach virus upang makapagtala ng triple double at tulungan ang Rain or Shine na makabawi sa masaklap na huling kabiguan sa 2019 PBA Commissioner’s Cup eliminations.

Kahit may iniinda na sakit ng tiyan at nagtae, naglaro pa rin ng kabuuang 43 minuto si Bowles kung saan nakapagtala ng kabuuang 29 puntos kasama pa ang 14 rebounds, 10 assists at dalawang blocks sa Batangas City Coliseum Linggo ng gabi para makaungos ang RoS sa Columbian, 88-86.
Huling naglaro si Bowles ng kabuuang 53 minuto sa laban nito kontra sa North Port Batang Pier kung saan nabigo ang Elasto Painters sa overtime, 105-107, nitong Miyerkoles.

Kinakitaan ng panghihina si Bowles na nakaapekto sa kanyang free-throws kung saan sumablay ito ng 14 sa kanyang 21 attempts.

“I really had hard time with dealing with game. I just had a stomach virus and it has affected me a lot,” kumpisal ni Bowles.

Kahit may iniinda, naipakita pa niya ang pagiging isang tunay na beterano sa digmaan, depensa sa krusyal na yugto – intercept kay sa pass ni Glenn Khobuntin kay lester Prosper – sa end game ang nagpaalpas sa Elasto Painters sa Dyip tapos ng winning shot ni Rey Nambatac.(Lito Oredo)