Abante Tonite Interactive

Bowling alley sa Los Angeles niratrat, 3 todas

189

Tatlo katao ang nasawi habang apat na iba pa ang sugatan sa pamamaril na naganap sa isang bowling alley sa southern California, Los Angeles Biyernes nang gabi sa Estados Unidos.

Base sa inisyal na ulat, ginulantang ng mga putok ng baril ang mga tao sa Gable House Bowl kung kaya’t rumesponde agad sa lugar ang mga tauhan ng Torrance Police Department.

Pagdating ng mga awtoridad ay tumambad sa kanila ang mga biktima na pawang sugatan sa loob ng bowling­ alley.

Abante Hiring – IT dep

Sinaklolohan ang mga biktima at nilapatan ng paunang lunas bago isinugod sa pagamutan.

Hindi pa kinilala ang mga biktima dahil kailangan pang ipaalam sa kanilang mga kaanak ang sinapit nila.

Hanggang sa sinusulat ito kagabi ay hindi pa natutukoy ang mga suspek sa pamamaril.