Abante Tonite Interactive

Bowling World Cup: Tabora, Tan babato

281

Bibitbitin nina Merwin Tan at dating national bowler Krizziah Lyn Tabora-Macatula ang bandila ng bansa sa pagsabak nito sa 55th AMF Qubica Bowling World Cup International Finals 2019 sa Palembang, Indonesia.

Inangkin nina Macatula at Tan ang mga karapatan tapos tanghaling mga kampeon sa Bowling World Cup National Finals nitong Biyernes sa Paengs Eastwood Bowl.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na makakasali si Tan sa World Cup tapos makalaro sa nakaraang taon sa Las Vegas, Nevada, USA.

Siya ay miyembro ng national bowling team na kakasa rin sa 30th Southeast Games 2019 sa bansa, kakawagi lang ng tatlong international title ngayong taon kabilang ang Philippine Open at nakatuon sa kanyang tsansa sa World Cup men’s title.

Nagbabalik sa paglalaro naman si Tabora-Macatula, na inangkin ang World Cup women’s crown nong 2017 sa Hermosillo, Mexico. Galing siya sa pakikipaglaban sa sakit at nagpakasal kamakailan.

Pero ‘di siya kabilang sa Philippine ladies team sa SEA Games tapos magdesisyon na mag-leave sa nakaraang taon at ‘di makasali sa lahat ng tryouts. (Lito Oredo)