Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boxer, coach iwan sa Baguio

0 225

NAKABABA na ang mga miyembro ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) maliban sa dalawa na isang boxer at isang coach na kinakailangan tapusin muna ang 14-day quarantine protocol bago tuluyang payagan na makauwi muna sa kani-kanilang mga pamilya.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Officer-In-Charge Ramon Fernandez sa programa ng ahensiya ng gobyerno sa sports na PSC Livechat kung saan pahapyaw din nitong ipinaliwanag ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force sa pagluluwag sa sports na basketball at football.

“Almost all of our boxers are now going back to their home and families except for two, na isang boxer at coach. Ito iyung nag-positive sa rapid test and then later negative naman sa swab test. He had to finish his 14-day quarantine first bago bumaba dito sa ULTRA and then finally if all is good, he can go back TO his family,” sabi ni Fernandez.

“Iyun muna ang ating priority right now. We are closely monitoring the situation and we want them to be going home and be with their families and hindi matulad sa mga locally stranded individuals.”

Idinagdag ni Fernandez na kailangan naman ng refinement sa pagpayag ng IATF-EID para sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa basketball at football na nakabase pa rin sa social at physical distancing. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.