Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boxing referee-judge namatay

0 85

Malungkot na inanunsyo Biyernes ng Association of Boxing Alliances ang pagkamatay ni 3-Star International Referee-Judge Cildo Evasco ng Cordillera Autonomous Region sanhi ng isang karamdaman.

Edad 50 at inulila ang asawang si Janeth at anak na si Jacel, siya ay iginagalang, tapat at maaasahang opisyal ng sport na napasabak na sa maraming major international competitions, pinakahuli ang Olympic Qualifiers for Africa sa Senegal noong February 2020 at Europe sa London nito lang March.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakikidalamhati sina ABAP president Victorico Vargas at executive director Edgar Genaro Picson sa mga kapwa ref-judge, kamag-anak at kaibigan ng yumao. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.