Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boy Abunda magsasaka na lang

0 907

NI: ROLDAN CASTRO

Dahil sarado ang ABS-CBN 2 at quarantine pa rin, mas maraming oras ngayon ang King of Talk na magpahangin sa kanyang farm.

Nag-post siya kamakailan sa kanyang Facebook Page ng maraming inaning prutas .
Ang caption niya,” Bountiful harvest from our Lipa Farm –

Langka, avocado, pechay, luya, buko, papaya, kalamansi, indian mango, gabi, kamoteng kahoy.

I’m seriously looking forward to becoming a part-time farmer. After all I come from a family of tillers of the soil and farmers of the sea.

It’s a happy day. Thank you, Lord!”

So, plano na rin pala ni Kuya Boy na magsaka at magtanim sa kanyang farm habang dinidinig sa Kongreso ang franchise ng ABS-CBN 2.

Sa huling panayam sa kanya noon ay tinanong kung ano ang gagawin niya pag humantong sa worse comes to worst ang situwasyon sa kanyang network.

Sey niya ay may mga offers siya para magturo at gusto raw niya itong i-consider. Pero sa ngayon dadaanin na rin sa online ang pagtuturo dahil sa pandemya ng COVID-19.

“Hindi ko alam how I’m going to behave. I am under contract with ABS-CBN. I will remain loyal to ABS-CBN. My contract is until the end of 2020.

“So halimbawa, mangyari ang kung anumang mangyayari, I will address that as it happens. But I will honor my contract and my relationships and my friendships with people in ABS-CBN,” lahad pa niya noon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.