Abante Tonite Interactive

Boy Abunda nakonsensiya sa pagpiga kay Kim

389

tonite-imo-vinia-vivar

Aminado ang King of Talk na si Boy Abunda na na-guilty siya matapos tanungin (at paaminin) si Kim Chiu tungkol sa relasyon nila ni Xian Lim nang mag-guest ang aktres sa kanyang “Tonight With Boy Abunda” last November.

Dito nga unang umamin si Kim na sila na ni Xian. But we didn’t know na nagkaroon pala ng guilt si Kuya Boy after the interview. Ipinagtapat niya ito kay Xian sa recent guesting naman ng aktor sa ­nasabing talk show.

“I felt guilty because I should have not asked Kim,” sey ni Kuya Boy kay Xian. “Alam mo, after the interview, I felt so bad.”

Dagdag pa ng TV host, dapat daw ay si Xian na lang muna ang kanyang tinanong. Kaya naman on national TV ay nag-apologize siya kay Kim.

“She’s hearing this for the first time, maybe. Kimmy, sorry,” pahayag ni Kuya Boy.

Pero ipinaliwanag din naman ni Xian na it was the right time na rin para umamin dahil noon nga ay magkatrabaho sila at ayaw daw nila na umamin habang magkasama sa work dahil baka isiping nagpo-promote lang siya ng project.

Bilang mag-boyfriend/girlfriend, natanong kung ano ang gusto nilang gawin together at ayon sa ­aktor, they enjoy long drives na either siya ang nagmamaneho or si Kim.

Minsan daw ay nag-long drive sila at napunta sila hanggang sa Quezon. Pagdating daw do’n ay bumalik din agad sila pa-Manila. Habang ikinukuwento ito ni Xian ay halatang ang saya-saya niya which means happy talaga siya sa relasyon nila ni Kim.