Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boy Abunda ober da bakod sa Kapuso

0 246

ROMMEL PLACENTE:May mga sitsit mga ka-Cuatros na lilipat na si kuya Boy sa GMA 7.Inaayos na nga lang daw ang talent fee niya at kung magkakasundo,tuloy ang paglipat niya sa kalabang istasyon ng ABS-CBN.

Kung totoo man ito,hindi lilipat ang word na dapat gamitin,kundi babalik.Sa Siete naman kasi talaga nagsimula si Kuya Boy.

Nagkaroon siya ng mga talk show dito noon ‘yung ‘Show & Tell’ at ‘Startalk’.

Si kuya Boy,magpapakatotoo naman yan eh kung totoo ang balita sa kanya.May sarili siyang online show,kaya aaminin niya rito kung talagang babalik siya sa Siete o hindi. At kahit saang istasyon man mapanood si kuya Boy ay nandun pa rin ang suporta natin sa kanya,di ba?

RODEL FERNANDO: Actually, noon pa man ay may alingasngas nga na lilipat siya sa Kapuso Network. Hindi nga ba’t naging isyu pa noon ang pagho-host niya ng dinner sa ilang executives ng GMA 7?Pero ang bagay na ito ay pinabulaanan ni Kuya Boy at sinabing pa- thank dinner lang ito dahil sa kanyang alaga na si Ai Ai delas Alas na isang Kapuso talent.

For sure may offer talaga sa King of Talk sa unang network na pinaglingkuran niya. Pero knowing him ay pag-iisipan niya ito nang husto .Pag-aaralan niyang mabuti ang kanyang magiging desisyon. Alam naman natin na ayaw na ayaw niya na may nakakagalit siya at nakakasamaan ng loob. “Be Nice” ang palagi nga niyang sinasabi.

MILDRED A. BACUD: Kukuha lang ako sa ilang pahayag ni Tito Boy sa isa sa mga interviews nito. Sabi niya, ““But given the choice, I will always go back to television.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“My preference is television. I love television. But if this is what I have to do, because we cannot do television yet, because ABS-CBN was shut down, because we don’t have free TV, then so be it. It is what it is.”

Kung true man ang tsikang babalik siya sa Kapuso ay baka naman name-miss na niya ang hosting sa free TV. Iba rin naman kasi.

Although nakakasabay naman siya sa kanyang social media platforms and successful ang kanyang YouTube channel.

Kung matuloy ang paglipat sigurado ako na may mga magtatanong kung bakit hindi na lang hintayin ng King of Talk na makabalik ang ABS- CBN by 2022? May chance kasi na makakakuha ang Kapamilya network ng bagong prangkisa.

ROLDAN CASTRO: Basta ako nasasabik na ako na mapanood ang isang Boy Abunda sa telebisyon. Nakaka-miss din siya.

At saka nasungkit na rin niya ang pinakamataas na paggawad ng PMPC Star Awards for TV sa October 17. Ngayong taon ibibigay sa King of Talk ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award

Congrats!

Leave A Reply

Your email address will not be published.