Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boy Abunda susuporta sa book launching ni Alex Lacson

0 235

Inaanyayahan kayo ng best-selling author at abogado na si Alex Lacson para makiisa sa kanyang book launch na gaganapin online sakto sa Araw ng mga Bayani.

Ganap na alas-10 ng umaga sa August 31 ay gaganapin ang online book launch para sa kanyang libro na ‘Five Hundred Years Without Love’.

Paglalarawan ni Alex sa libro, isa itong “gripping novel that takes a comprehensive and wholistic view of our country’s present-day social cancer, 133 years after Jose Rizal wrote his Noli Me Tangere in 1887.”.

Para sa mga nais lumahok, pumunta lamang sa kanyang Facebook account na Lacson Alex, at FB page na Booklaunch – Alex Lacson.

Maaari ring mapanood ito via Zoom sa ID na 896 2627 7768 at may password na 081177 kung saan ang batikang TV host na si Boy Abunda ang magiging moderator. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.