Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boy ‘sakit ng ulo’ sa Bb. Pilipinas

0 184

Instant trending ang TV host na si Boy Abunda dahil sa kanyang naging tanong sa Binibining Pilipinas 2021.

Natapat si Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo kay Tito Boy para sagutin ang isang nakakalitong tanong, ayon sa mga netizen.

“When it is okay not to be okay and when is it not okay to be not okay?” tanong ng batikang host.

SM food to go Banner Ad

Game naman itong sinagot ng kandidata: “You know, sometimes, it’s hard to move on especially that if we lost our loved ones, when we’re depressed when we have anxiety, but most of all, when we want to move forward in life. You know, my favorite saying in a movie Disney, ‘Inside Out,’ is embrace your sadness because in embracing your sadness you will feel happiness afterwards.”

Sa social media naman, marami ang napaisip kung ano nga bang dapat isagot sa kakaibang Q&A ni Tito Boy. Marami sa mga netizen ang sumakit ang ulo sa tanong niya. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.