Abante Tonite Interactive

Boy2 ayaw kalabanin si Michael V

0 472

Sumabak na sa pagdidirek ang magaling na komedyante at N2 co-producer na si Boy2 Quizon. First directorial effort niya sa pinagbibidahan ni Maris Racal.

Sey niya, hindi raw subok lang kundi tuloy-tuloy ang kanyang pagdidirek.

Malaking impluwensiya rin daw sa kanyang desisyon ang uncle niyang si Eric Quizon.

“Naniniwala kasi ako sa proper timing. ‘Yung iba nga step up na. ‘Yung ilan sa ‘Bubble Gang’, nagra-writer na rin. Ako kumbaga naumpisahan ko na, so it becomes inevitable,” aniya.

Hindi rin daw siya nakikiuso at pumasok sa pagdidirek para kumpentensiyahin si Michael V.

“Michael V is a Michael V. He’s a one man team. Ako naman simple lang ako, gusto ko lang nag-e-enjoy ang mga tao, kasi in this business, you have to be open for everything,” paliwanag niya. (Archie Liao)