Abante Tonite Interactive

Boycott Shopee sigaw ng mga ‘na-scam’ na Blackpink fan

530

Sumabog sa galit ang mga fan ng K-pop group na Blackpink na umaasang makikita nila face-to face ang mga ito kahapon sa isang event ng shopping app na Shopee.

Top trending kahapon sa Twitter ang #SHO-PEESCAM, dahil sa mga nagrereklamong “Blinks” (Blackpink fans) na nagpapakita ng pagkadismaya.

Gumastos anila sila ng libo-libo para lamang makaupo malapit sa stage ng event, pero nagtataka sila kung bakit ang mga sikat na celebrity, o tawag nila’y “influencers” ang nasa harapan.

jaime: “ano ba to meet and greet o star magic ball? Hmmmm.”

Ruby J: “The Event is now full of Celebrities and Influencers, just to promote shopee. IS BLACKPINK NOT ENOUGH TO PROMOTE SHOPEEE?! REAL BLINKS, OT4 BLINKS. DESERVE BETTER Y’ALL!!!”

@superiorblckpnk: “You mean full of celebrities and influencers that has ‘connection’! i feel sorry for those true blinks who spent thousands just to see them but didn’t get any.”

Spotted sa event sina Maymay Entrata, Andrea Brillantes, Kim Chiu at brand ambassador Anne Curtis.

Kilala naman ng mga Blink kung sino sa mga kilalang celeb ang true blue fans ng Blackpink, pero imbiyerna sila dahil ‘yung iba eh nakiki-fan kahit hindi naman talaga kilala ang K-pop group. Dumating nga kahapon sa bansa ang famous girl K-pop group.

Ani Kristoffer Martin via Twitter: “I don’t get the hate. Meron di nafollow oo. Pero it doesn’t mean na fake fan? We all have our favorites. I appreciate their music. Lowkey fan yes. Pero why hate? I don’t get the point.”

Bukas ang panig ng Abante Tonite para sa panig ng Shopee hinggil sa paratang ng mga fan. (Jun Lopez)