Abante Tonite Interactive

Boyet nakalabas na sa ospital

0 1,136

NI: VINIA VIVAR

“And he is finally home,” ang bungad ng Instagram Story ni Sandy Andolong dahil as we all know ay na-discharge na ang asawang si Christopher de Leon mula sa Medical City Hospital kung saan ito na-confine for COVID-19.

Pinasalamatan ni Sandy ang lahat ng staff, health workers, medics, nurses at mga doktor ng nasabing hospital.

Kasunod nito ay ibinahagi rin ni Sandy ang video call nila ng pamilya na marahil ay kuha noong nasa ospital pa si Boyet.

Hopefully ay walang nahawaan ang aktor sa kanyang pamilya at sa mga co-stars niya sa seryeng Love Thy Woman. Luckily, so far, ay wala naman pero dahil nga minsan ay matagal bago lumabas ang symptoms, hindi pa rin natin masabi. Pero sana lang ay wala na talaga.