Abante Tonite Interactive

Boyet-Sandy 40th anniversary walang handaan

596

NI: ASTER AMOYO

40th anniversary bilang couple ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong nu’ng Biyernes.

Pero hindi nila ito na-celebrate dahil parehong naka-self quarantine sila sa kanilang bahay.Ganoon din ang kanilang bunsong anak na si Mica at mga kasambahay.

More than the celebration, thankful ang mag-asawa na gumaling si Boyet sa kanyang pagiging positibo ng COVID-19. Negatibo rin sa virus si Sandy.

Ang apat nilang anak na sina Rafael, Miguel, Gabriel at Mariel ay pare-parehong nasa ibang bansa. Ang bunso lang nila ang kasama sa bahay.

Sa rami na ng pagsubok na pinagdaanan ng mag-asawa, mas lalong tumatag ang kanilang pagsasama.

Tonite – Wendys Inhouse Ad