Abante Tonite Interactive

Boyet at Sandy, proud kay Mariel

By
13

WALEY: Nagbunga ang pagpupunyagi at pagdarasal ng buong mag-anak at kaibigan nina Drama King Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nanalo ang anak nilang si Mariel bilang Binibining Pilipinas International na kahalili ni Kylie Verzosa.

Ang sabi ni Sandy, “Congratulations to all the winners! We love you & we’re proud of you mariaangelicadl ♥ To God be the glory!”

Abante Hiring – IT dep

Nanatili ang pamilya nina Boyet at Sandy sa Novotel Manila Araneta Center kahit noong last na nag-attend sila ng pageant na full force ang pamilya ay na-lost on emotion si Mariel. Ngayon, WINNER na siya.

Dumating lang ang pamilya nang maiproklama na ang mga nanalo at sinalubong nila ito backstage pagkatapos ng mga photo opportunity.

Sabi pa ni Sandy, “Thankful & grateful to our loving & faithful God almighty! Our princess is now a queen! Thank you for all the love & support of family, friends, IG & FB friends & followers, our neighbors.

“Thank you @carysantiago for your exquisitely beautiful national costume & evening gown ♥”

Magte-train at lilipad papuntang Japan si Mariel para lumaban sa Miss International pageant na mula kina Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman, Bea Rose Santiago at Kylie Verzosa ay susubok siyang ipagpatuloy ang winning streak nating mga Pinoy.

In fairness kay Mariel, todo training siya at nagpapayat.

Aside from that, mahusay at pinalakpakan din ang sagot niya sa Question and Answer portion.

***

HAVEY: Patapos na ang Baguio scenes sa pelikulang Citizen Jake. Same house ito na ginamit sa pelikulang Kung Mangarap Ka’t Magising.

Ratsada sila kahapon sa mga eksena sa bahay, samantalang ngayon ay tracking shots sa Kennon road ang kukunan.

Puro eksena na ni Atom Araullo ang naiwan.

This weekend, sa La Union na ang location nila. In the remaining weeks of May, ‘yung remnants na lang na eksena sa Maynila ang kukunan at ready na ang isang bagong obra na gusto nilang isali sa darating na Metro Manila Film Festival.

Isa sa mga sobrang namangha na nakatrabaho si Direk Mike ay si Luis Alandy na ipinost ni Direk Mike sa kanilang official movie page na, si Luis ay “one of the best actors I’ve worked with.”

Sobrang overwhelmed si Luis kay Direk Mike na ang sabi, “Di ko naman hinangad na mabigyan ng acting awards pero ‘yung makatanggap ka ng ganito, award na ito sa akin.

“It shows my dedication to my craft. I’m lost for words.”

Nabalitaan namin sa crew na may planong gawan si Luis ni Direk Mike ng isa pang pelikula. Baka iyun pa ang mauna kaysa sa Citizen Jake.

Sana, matuloy ito, para mas marami pang masterpiece ang henyo na si Direk Mike de Leon.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.