Abante Tonite Interactive

Boyet, Tirso nagpapakipot kay Ate Guy

463

Kung ang balana, madlang pipol, kritiko at mga award-giving bodies, local man o international, bongga ang pagmamahal na ibinigay sa “Rainbow Sunset,” ang kapatid kaya nitong “Isa Pang Bahaghari,” magpapatuloy kaya ang siksik, liglig at umaapaw na suwerte at parangal?

Si Eric Ramos, screenplay writer. Si direk Joel Lamangan muli ang mamamahala. Heaven’s Best muli ni Harlene Bautista ang film production house.

Ang balita ko, confirmed na ang nag-iisang superstar Nora Aunor sa pelikulang ito. Magandang balita ito para sa mga Noranians. Ayan ha, may head time ka-yong makapag-ipon para kung sakaling pasok sa banga ang pelikula sa Disyembre, siguradong makakapanood kayo sa mga sinehan.

Mga Noranian, ipakita at ipadama niyo sa buong showbizlandia na pangmalakasan pa rin ang People’s National Artist sa takilya.

Ngayon nga, may malakas na panawagan na kung sino ang puwedeng gumanap na teen, dalagang Ate Guy sa keeping all the fingers that can cross, eh MMFF entry.

Sa thread para sa panawagan, ma-lakas ang suhestiyon na si Therese Malvar ang bagay na bagay na ma-ging young Nora. Oo naman, dahil pareho silang petite at mahusay na aktres ang dalawa.

Ang diva that you love, ang bet eh si Barbra Miguel na young prostitute ang role sa pelikulang “143.” Mahusay na m­ahusay rin itong si Miguel. As a matter of fact, sa nasabing pelikula, mala-Vilma Santos for “Baby Tsina” ang level ng acting niya.

Naging Nora Aunor rin siya sa “Your Face Sounds Familiar Kids” at plakadong-plakado ni Lyca Gairanod ang nag-iisang Superstar. Magandang follow-up nga naman ito para sa teen star na tila hindi na masyadong nararamdaman of late.

Si Kris Bernal daw, bagay ma-ging batang Aunor. Juice colored! Asan ang semblance at higit sa lahat, asan ang acting ni Kris B? Charot! Hahahaha!
Ang dapat na kasama ni Nora sa pelikula ay ang kanyang ex-husband na si Christopher de Leon at ex-ka-love team na si Tirso Cruz III, kaso nagpapakipot pa raw ang dalawang premyadong actor. Magkakaalaman itong linggong ito kung deal or no deal ang dalawa.

Kung sila ay papayag, si Boyet ang asawa ni Nora na lumpo sa movie, at si Pip ang best friend since high school na may lihim na pagtingin sa orihinal na drama king.

Kung saka-sakaling hindi mapapayag ang dalawang aktor, may naka-next in line na rin namang actors. Handa ang produksyon, may plan B sila, huh.
25 finished scripts ang nagsumite sa MMFF screening committee at sa first week ng Hulyo, magkakaalaman na kung sino ang pasok sa banga sa Top 4 fi-nished scripts. Pasok kaya sa pihikang panlasa ng screening committee ang “Isa Pang Bahaghari?” Kaabang-abang, huh!

Harutan nina Bayani-Ai walang malisya

Ang tanong of national importance, ang “Fee-lennial (Feeling Millennial)” na nga kaya ang tatapos sa tila tagtuyot na sitwasyon sa takilya ng mga pelikulang Pilipino?

Mataas ang expectations sa nasabing pelikula dahil unang tambalan ito nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Ang Comedy Queen nga, ang kanyang pakiwari, may bago siyang ka-love team. Ano ito, puwedeng ilaban at sumabay sa KathNiel, LizQuen at JaDine ang AiNi o BayAi?

Parang may laswa factor ang BayAi, parang halos malapit sa bay-ag, huh! Charot! Hahahaha!

“May chemistry po pala kami. Kahit off-cam, so hindi namin alam kung nasa harap ng ca-mera ay ganu’n pa rin. Nalaman namin na kung ano pala ‘yung samahan at treatment namin bilang magkaibigan sa likod ng camera, ganu’n din pala sa harap ng camera,” deklara ni Ba-yani.

“Kaya naging natural na natural ‘yung takbo ng karakter namin sa pelikula,” aniya pa.

“At natuwa naman kami kasi, kung gaano kami naghaharutan kapag walang camera, kung paano kami nagpapatawa sa isa’t isa, kung papaano kami nagmamahalan sa likod ng camera, e, ganu’n din, nakita sa harap ng camera. So, ‘no acting, please’ ang nangyari dito sa pelikula,” sey pa ni Yani.

Ang taray ni Bayani, may no acting please pang kinukuda. Iba rin!

Sabi pa ni Agbayani: “Decades old na ang friendship namin ni Ai Ai pero first time lang namin gumawa ng movie. Siguro kasi ito ang tamang panahon for this.”

Never ba silang nagkagustuhan ni Ai Ai? Hindi ba lumagpas sa platonic stage ang kanilang pagsasama?

Sagot agad nito: “Ay hindi. Parang magkapatid ang turingan namin ever since. Walang malisya talaga.”