Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boykot DJ Loonyo trending

0 128

Ilang oras namayagpag ang BOYCOTT DJ LOONYO sa Twitter.

Ang diva that you love, hindi na inurirat ang puno’t dulo nito dahil nga, sa mga akalang they are doing the public good with this tweet, hay naku, mas lalo niyo lang pinalaki ang pangalan at imahe nitong si Pump and Grind King.

Mas marami tiyak ang magsasaliksik kung bakit kayo poot na poot sa kanya. At kayo ang may kasalanan kung sooner rather than later, alamat na ang turing kay Rhemuel, huh!

Juice colored! Mas maraming kabalbalan na ginagawa ang mga the best and the brightest sa kasalukuyan kesa sa mga paandar at payanig ni Loonyo na kinawiwindang niyo.

Baka naman nakalimutan niyong may pandemya pa kaya siya na naman ang kinakana niyo? Yung totoo? Inggit na inggit kayo sa karera nitong si Rhemuel kaya join kayo sa mob bandwagon na tumtuligsa at panawagang i-boycott siya.

Mas matutuwa pa ako mga ning at totoy kung iba ang ipagsisigawan niyong i-boycott kesa sa lalaking iyan na malaki na ang kinikita dahil sa kanyang pagsasayaw at choreography. Mas lalo pang magiging maraming zeroes ang maisusulat sa kanyang kontrata dahil sa inyo, you make him matter, important, you guys are bothered by his power to influence and popularity. Alam niyo namang kahit anong hanash at kuda niyo, in the eyes of his adoring public, wala siyang ginagawang mali, nagpapaka-totoo lang siya.

At alam naman natin na bet na bet ng mas nakakararami ang ganyang mga “totoong tao” di ba?

Magbasa kayo ng mga pahayagan at manood ng news broadcast para makita niyo kung sino ang mga dapat niyong niratrat at kung anong pangyayaring politikal ang may konkretong epekto sa mga buhay niyo.

Naukit na ni DJ Loonyo ang kanyang lugar sa showbiz at sa kasaysayan. Yung totoong mga tampalasan, ganid at walanghiya ang i-boycott niyo.

**

BB panis ang alindog kina Kevin, Francine, Trixie

Ewan ko ba naman kung bakit ako naengganyo ni kumareng ultra maldita na panoorin ang bagong paandar nitong si BB. Gandanghari.

Nagngangawa daw kasi ito at humihingi ng paumahin sa kanyang kapatid, sa dalawang seasoned female entertainment journalists at sa lalaking sinabi niyang ka-close niya.

Sa halos isang buong oras niyang hanash at juda na may portions na napahikab yata ako at parang nakatulog dahil sa kanyang baklang-baklang pamamaraan ng pagsasalita, may portions nga na lumuluha siya, nagsisi sa kanyang mga kapangahasan.

Nagtatlong isip na ako kung sisimulan ko pa bang muli sa simula para marinig muli ang kanyang 40 day fasting eme, transitioning to another gender kiyeme latik at kung ano-ano pang pagbabago sa kanyang claim of transwomanhood.

Kung talagang si BB ay nagho-hormone therapy na for several years dahil 2009 siya biglang bumulaga, dapat susuhan at balakangin na siya, banat na banat ang balat at talagang ka-level na niya ang ganda nina Kevin Balot, Trixie Maristela at Francine Garcia.

Kaso, no way near ang alindog at rikit ni Gandanghari sa mga binanggit kong supersireyna.

Kaya, pag nakita ko talaga sa personal si kumareng ultra maldita, pipingutin ko sa tenga kasi nga nakakahikab at nakakabagot ang mga pralala ni BB Gandanghari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.