Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BPC sa bubble – Marcial

0 98

Walang tatanghaling 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble Most Valuable Player sa buwang ito, sa halip ay Best Player of the Conference ang pinakamataas na igagawad.

Napagpasyahan ang bagay sa three-hour pro league virtual board meeting nitong Huwebes na pinangunahan nina Commissioner Willie Marcial at Chairman Victorico Vargas ng TNT.

Kandidato sa award ang top five sa statistical points na sina Tropang Giga guard-forward Bobby Ray Parks Jr., Calvin Abueva ng Phoenix Super LPG, Christian Jaymar Perez ng Terrafirma, Fuel Master Matthew Wright, at Christian Standhardinger ng NorthPort.

Kaya mananatiling intact pa rin sa ang rekord na anim na sunod na MVP ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, na lumiban sa bubble dahil sa operasyon sa kanyang shin injury. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.