Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BPO patulungin sa One Hospital Command Center – Hontiveros

0 156

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na hingin ang tulong ng mga business process outsourcing (BPO) company sa pagpapatakbo ng One Hospital Command Center (OHCC) na siyang centralized hospital referral system ng bansa para sa mga tinamaan ng COVID-19.

Kasunod na rin ito ng mga ulat na hindi agad natutugunan ng OHCC ang mga tawag sa kanila ng publiko na humihingi ng saklolo para ma-admit sa ospital ang COVID-19 patient dahil na rin sa kakulangan ng tauhan.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Hontiveros, kailangan ng mahusay na hospital referral system para matugunan ang mga public health emergency at malaki ang maitutulong dito ng mga BPO sa bansa.

“Huwag na sanang hintayin na marami pang mga tawag ang hindi masagot at ilang buhay ang hindi maisalba bago umaksyon,” ani Hontiveros.

Leave A Reply

Your email address will not be published.