Abante Tonite Interactive

Brad Pitt, Angelina Jolie single status na

463

Sina Brad Pitt at Angelina Jolie ay pinahintulutan ng isang hukom na bumalik sa pagiging single. Pagkatapos ito ng mahigit dalawa’t kalahating taong pag-file ng diborsyo.

Ang dating lovebirds ay nabigyan ng legal na pagbabago sa kanilang civil status ng isang hukom kahit na ang kanilang diborsyo ay hindi pa naaaprubahan.

Ang legal na desisyon ay tinawag na bifurcated
judgment na parehong hiniling nina Brad at Angelina, ayon sa mga isinumite nilang dokumento sa korte.

Si Jolie ay nagsampa ng diborsyo mula kay Pitt noong Setyembre 2016. Patuloy na dinidinig ang custody battle sa kanilang anim na anak – Maddox, 17; Pax, 15; Zahara, 14; Shiloh, 12; at 10-anyos na kambal na sina Knox at Vivienne.

Pero noong Nobyembre 2018 ay nagkasundo sina Brad at Angelina sa isang custody agreement. Hindi sila nagkaroon ng isang permanenteng kasunduan hanggang sa ang lahat ng mga legal na detalye ay pinagsunod-sunod, na maaaring tumagal ng ilang buwan.

“Brad feels great to officially be single and getting these documents filed was really important to him,” ayon pa sa isang source.

“He really wants to close the chapter with Angelina as much as he can and move forward, and he feels it’s one step closer to doing so.”
Mukhang totoo ang damdamin ni Brad kay Angelina. Sa parte ni Angelina ay nahihirapan pa rin siyang tanggapin na wala na sila ni Brad at pareho na silang libre na humanap ng panibagong pag-ibig.

Si Brad ay handa nang gawin ang lahat para maging legal na ang kanilang paghihiwalay. Wala na siyang interes na muling mabuo ang pagsasama nila ni Angelina. Nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang mga anak, sa pagpapagaling at makapag-move on na totally sa kanyang buhay na nag-iisa. (Lourdes Fabian)