Abante Tonite Interactive

Brad Pitt dumalo sa birthday ng ex-dyowa

By
0 174

Trending topic ngayon sa online world ang pagdalo ni Brad Pitt sa 50th birthday celebration ng kanyang ex-wife na si Jennifer Aniston (na ang eksaktong kaarawan ay February 11), kaya naman muling umugong ang bulung-bulungan ng isang posibleng pagbabalikan.

Ang pagdalo ni Brad sa selebras­yon ay malinaw na pruweba na kahit hiwalay na sila ay napanatili nila ang maganda nilang samahan.

Mabilis kumalat ang mga larawan ng aktor na may suot na flat cap habang papasok sa Sunset Tower Hotel Los Angeles noong Sabado kung saan ginanap ang selebrasyon para sa kaarawan ni Jennifer.

Kabilang sa maraming mga sikat na artista na dumalo sa selebrasyon sina George & Amal Clooney, Reese Witherspoon, Sandra Bullock, Lisa Kudrow, ex ni Jennifer na si John Mayer at si Katy Perry kasama ang boyfriend niyang si Orlando Bloom, Ellen DeGeneres, Kate Hudson, Robert Downey Jr., Demi Moore at Gwyneth Paltrow (isa rin sa ex-gf ni Brad).

Naghiwalay sina Jennifer at Brad noong 2005 pagkatapos ng limang taong pagsasama.