Abante Tonite Interactive

Brad Pitt hopia sa Father’s Day

475

Sa pagsapit ng Father’s Day, hindi umaasa si Brad Pitt ng sorpresa mula sa kanyang anim na anak.

Pero umaasa siya ng tawag mula sa mga anak niya kay Angelina Jolie. Magiging masaya na raw siya at kumpleto ang araw niya.

“Brad is looking to have a very low-key Father’s Day. He isn’t looking for any gifts, he is much more interested in hearing from his kids to wish him a good day and that’s about it,” ayon sa isang taong malapit sa aktor.

“There isn’t any set plan for a big dinner or anything along those lines, but seeing and talking to them soon would be wonderful. It really is the little things when it comes to this Father’s Day for Brad,” pagpapatuloy pa ng tagapagsalita ng aktor.

Mula nang magkahiwalay sila ni Jolie, kung kani-kanino na siya ini-link sa iba’t ibang tabloids tulad kina Charlize Theron, Margot Robbie, Sienna Miller, Emilia Clarke, Jennifer Garner, Jennifer Lawrence, Kate Hudson at ang MIT professor na si Neri Oxman.

Kung ang itsura ang pagbabasehan ay masasabing mas maayos siya ngayon, maskulado at malusog ang pangangatawan nu’ng huling makita sa Cannes kasama ang co-star na si Leonardo DiCaprio at direktor na si Quentin Ta­rantino.

Ang kanyang u­nang malaking pelikulang ginawa pagkatapos ng tatlong taon ay mapapanood na, ang “Once Upon A Time In Hollywood” sa Hulyo 26. (Lourdes Fabian)