Abante Tonite Interactive

Brad Pitt, Jennifer Aniston nagkabalikan

1,652

Nalalapit na ang taunang Golden Globe Awards na gaganapin sa darating na January 5, 2020. Kabilang sa mga mahigpit na maglalabanan ay ang “The Act”, “The Irishman”, “The Crown”, “Marriage Story”, “Chernobyl” at “Bog Little Lies”.

Bukod diyan, nominado rin ang mag-ex na sina Jennifer Aniston at Brad Pitt. Muling magre-reunion ang dalawa at magkakasama pa sila sa iisang kuwarto.

May mga balita kasi na lumalabas ang dalawa matapos ang kani-kanilang hiwalayan. Walang isyu ito lalo pa at hiwalay na si Brad Pitt sa asawa na si Angelina Jolie.

Nominado si Jennifer sa kanyang role sa “The Morning Show”, habang nominado naman si Brad Pitt sa kanyang “Once Upon A Time In Hollywood”.

Bagama’t hindi masusubaybayan ng JenRad fans ang reunion ng dalawa, marami pa rin ang umaasa sa kanilang comeback. (Ronaline Avecilla)