Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bradley ‘pinilayan’ sina James, Davies

0 255

May LeBron James at Anthony Davis sa lineup, pero mahihirapan ang Los Angeles Lakers na sikwatin ang NBA title dahil absent sa Orlando si Avery Bradley.

“The @Lakers losing Avery Bradley is a tough loss and will make it more difficult for them to win the NBA championship,” tweet kahapon (Manila time) ni Lakers great Magic Johnson.

Nagdesisyon si Bradley na hindi na sasama sa Orlando para sa NBA restart. No. 1 sa West ang Lakers (49-14) at kasama sa 22-team restart.

Tweet ni Adrian Wojnarowski ng ESPN:

“At forefront of Bradley’s decision to remain with his family is the well-being of the oldest of his 3 children. His 6-year-old son has a history of struggling to recover from respiratory illnesses and would’ve been unlikely to be medically cleared to enter bubble with his family.”

Kasama si Bradley, 29, sa grupo ni Kyrie Irving ng Nets na salungat sa pagbabalik ng NBA dahil matatabunan daw ang Black Lives Matter movement.

Nag-average si Bradley ng 8.6 points at 1.3 assists hanggang March 11.

Si Wojnarowski rin ang nag-report na balak kunin ng Lakers si veteran free agent JR Smith pamalit kay Bradley. Teammates sina LeBron at Smith sa Cleveland dati. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.