Abante Tonite Interactive

Brain aneurysm

3,790

Ang brain aneurysm ay ang pagkakaroon ng pag-umbok o paglobo ng mga blood vessel sa ating utak, ayon sa mga neurologists at hypertension experts.

Ito ay maaaring pumutok o mag-leak o ang tinatawag na hemorrhagic stroke. Agad itong nagiging dahilan ng pagkamatay lalo na kung hindi maaagapan sakaling ito ay umatake.

Pinaka-latest na biktima nito ay ang artistang si ­Isabel Granada.

Ngunit, hindi lahat ng brain aneurysm ay delikado at sa katunayan ay maaari pa itong maa­gapan lalo kung agad na madi-detect through tests.

Itinuturong dahilan nito ay ang high cholesterol at blood sugar level, alta presyon at sobrang stress. Maaari ring maging sanhi nito ang mga nakalipas na head injury.

Kadalasan na ang mga may edad 40-pataas ang tinatamaan ng sakit na ito. Mas prone din umano itong mangyari sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.

Senyales ng pagputok ng ugat sa utak ang labis na pa­nanakit ng ulo dala ng alta presyon na may kasamang pagsusuka, pagkahilo at biglaaang pagkawala ng malay.

Hangga’t maaari, iwasan ang ma-stress. Umiwas din sa paninigarilyo, labis na pag-inom ng kape, at pagkain ng maaalat. Sabayan ito ng pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay na nakabubuti para sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan.