Abante Tonite Interactive

Branded bag na replica pandesal lang ang laman

0 278

Magandang araw!
Isa akong masugid na tagasubaybay ng inyong sikat na column na “Kapitbahay Mo, I-blind item”.

Nakakabitin nga dahil isang beses lang ito sa isang linggo. Sana dalasan pa para naman maaliw ako at kaming mga nakasubaybay.

Ako nga pala si Precy, taga-Masambong, Quezon City. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang nakakangitngit na karanasan ko sa aking kalugar na sobrang hangin.

Well, mabalik tayo sa mahangin kong kapitbahay. To the highest level talaga ang hangin niya. Alam n’yo bang kahit na bibili lang ng pandesal sa panderya itong si Beth sa umaga ay kuntodo pa-beauty siya.

Take note, naka-blower pa ang hitad at talagang terno ang blusa sa sout niyang sandals o sapatos kapag lalabas.

Ang buong akala naming mga kapitbahay niya ay papasok siya o may lakad pero susme hindi naman pala dahil babalik itong may dalang replica ng branded bag na ang laman ay supot pala ng pandesal.

Ayan lang po at sana ay makarating sa kanya ang kuwento kong ito para naman magbago na siya. Hirap kasi akong komprontahin siya baka magsa-bong kami.
Sumasainyo,

Precy ng Quezon City
Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakaka­asar o kapana-pana­bik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.