Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brandon, Jeremiah posibleng top pick

0 46

Sina Fil-Ams Brandon Rosser at Jeremiah Gray ang matunog sa top 2 na bubunutin sa 2022 PBA Draft ngayong araw sa Robinsons Place-Manila.

Sa 66 prospects na nasa final list ng eligible draftees, 12 ang Fil-foreigners kabilang sina CJ Cadua, Carlo de Chavez, JJ Espanola, Jerwyn Guinto, Tyrus Hill, Earvin Lacsamana, RJ Ramirez, Chester Saldua, Kyle Toth at Kameron Vales.

Hitik din ang homegrown talents na nagpakitang gilas sa two-day Draft Combine.

Handa nang sumabak sa pros ang mga tulad n ina Gian Mamuyac, Tyler Tio, Encho Serrano, Jollo Go, Justin Arana at ang galing Japan B.League na si Javi Gomez de Liano.

Blackwater ang unang pipili ngayong taon, nabanggit ng team na kursunada nila si Rosser na naglalaro sa men’s 3×3 sa Hanoi SEA Games.

Sunod ang Terrafirma, Converge (3 at 4), Rain or Shine, NorthPort, NLEX, Ginebra, Bossing (9 at 10), E-Painters at Magnolia. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.