Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brazilian aalalay PH women’s 6

0 142

Isang dating matinik na player ng Brazilian men’s volleyball team at coach ng women’s squad ang nakuhang bagong coach ng Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVF) para ihanda ang women’s indoor national team sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa November 21-December 2 sa Hanoi, Vietnam.

Siya si Jorge Edson Souza de Brito, 54, parte ng Brazil men’s volleyball team ng Brazil na nag-gold sa 1992 Barcelona Olympics at nagmandong bench tactician ng Brazil womens six na nag-gold sa 2008 Beijing Summer Games.

Nagpasalamat naman si PNVF president Ramon Suzara sa suporta ng International Volleyball Federation (FIVB) sa PNVF, lalo’t ang world governing body ang magpapasahod kay De Brito. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.