Abante Tonite Interactive

BreadTalk nag-sorry sa naispatang daga sa tinapay

By
206

Matapos ang isang linggo, humingi kahapon ng paumanhin ang BreadTalk Philippines dahil may buhay na daga na na-video-han sa isang shop nito.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng BreadTalk na sarado na ang mall nang video-han ng isang concerned customer ang daga sa shop nito sa Pampanga.

Dagdag pa nito, nagsagawa na sila ng imbestigasyon para malaman kung paano nakapasok ang daga sa estante. Pinalinis na rin nila at pina-sterilize ang shop.

“Food safety is our most important priority,” sabi ng Breadtalk Philippines sa FB page nito. “Thank you to everyone who brought it to our attention. We are very sorry this happened.”

Dagdag pa ng BreadTalk Philippines, hinigpitan din nila ang kanilang pest control screening para hindi na makakapasok ang anumang mga peste sa kanilang mga store at pinag-training nilang muli ang kanilang staff para maging mas masigasig at maiwasang mangyari itong muli.