Abante Tonite Interactive

2-Malaysian nabawi sa ASG

By
4

Nabawi na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang Malaysian fishermen  na dinukot ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) noong nakaraang taon.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang matunton ng tropa ng Philippine Marines ang dalawang Malaysian na sina Fandy Bin Bakran, 26 at Abdul Rahim Bin Summas, 62 na iniwan ng mga bandido sa Carudong, Sulu.

Ayon kay AFP spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo,  ang nasagip na mga bihag ay kabilang sa limang pasahero ng tugboat na patungong Lahad Datu, Malaysia na hinarang ng mga bandido noong Hulyo 2016.

Humirit ang bandidong grupo ng P100 milyong ransom, pero ayon kay Col. Arevalo walang involved na ransom sa paglaya ng dalawang dayuhan.

Nasa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo Island ang dalawang bihag upang isailalim sa debriefing.