Abante Tonite Interactive

BREAKING: Bakery bombing sa Sulu; 4 patay, higit 12 sugatan

By
2

ZAMBOANGA CITY – Apat katao ang patay at nasa higit 12 ang sugatan sa pagpapasabog sa isang bakery sa Jolo, Sulu.

Ayon sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), hinagisan ng granda ang panaderya na nasa Barangay Busbus noong Biyernes ng gabi.

Isang lalaki ang dinakip sa pag-atake at iniimbestigahan kung ano ang motibo sa pagpapasabog.

Nakatutok ang imbestigasyon ng pulisya sa posibilidad na family feud o away pamilya ang dahilan ng pag-atake.

May mga nakausap umano ang mga otoridad na gustong maghiganti ng lalaking suspek na nahuli matapos ang insidente.

Mahaharap sa patong-patong na kasong kriminal ang suspek oras na makumpirmang siya ang naghagis ng granada na ikinamatay ng apat katao at ikinasugat ng hindi bababa sa 12 by-standers.