Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Breast cancer

0 122

Itong buwan ng Oktubre ay inilaan ng World Health Organization o WHO bilang breast cancer awareness month. Ang layunin nito ay maipahatid sa mga kababaihan sa buong mundo ang atensyon para sa maagang pagdiskubre, mga pamamaraan ng paggamot at operasyon na magagawa, at suporta sa mga mayroon na nito. Kadalasan ay makikita natin ang pink na ribbon, bilang simbolo na nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng mga kababaihang may breast cancer at suporta para sa pagasa nila. Ngunit hindi lang mga kababaihan ang maaaring magkaroon nito, may mga pagkakataon na makikita din sa mga lalaki ang breast cancer.

Ang unang una ay dapat malaman ang tamang pag eksamin ng sarili. Mas mainam magawa ito ng nakahiga ng nakalapat ng maayos ang breast sa dibdib. Nakataas din dapat ang kamay ng susong ineeksamin sa may ibabaw ng ulo, ang kaliwa o kanan. Sa pamamagitan ng tatlong gitnang daliri ng kabilang kamay sasalatin ng paikot sa mga iba’t ibang lugar. Ang breast ay hinahati natin sa apat na kwadrado. Ang itaas at ibaba na nahahati sa panlabas at panloob. Ito ay para makasiguro na lahat ng lugar ay masasalat at walang makakaligtaan. Pag natapos ito, ang nipple naman ay dapat pisilin para malaman kung may kakatas. At ang huli, salatin din ang kilikili kung may makakapang mga bukol na kadalasan ay mga kulani. Madalas sanang magawa ito ng malaman ang kasalukuyang kalagayan. Huwag itaon ng panahon ng dinadatnan dahil maaaring may makapa dahil sa mga hormones na dala nito.

Kung sakaling may makapa na bukol, kadalasan ay mahigit na ito sa 2cm ang laki. Kung kaya’t kung may mag kamaganak, lalong lalo na kung nanay o sa kapamilya ng nanay, isang imaging na ginagawa ay ang ultrasound. Nakikita nito ang mag hindi nasasalat basta basta na bukol lalo na kung mas maliit pa sa 2cm. Ngunit, para makita ang napakaliliit na bukol na hindi makita ng ultrasound, ang mammogram naman ang ginagawa. Ito’y nakakakita ng mag anomalya lalong lalo na sa mag daanan ng gatas o ducts ng breast.

Related Posts

Kung makakapa ng bukol at hindi nawawala kahit lumipas ang dalawa o tatlong menstrual cycle, ang pinakamaganda ay mapabiopsy ito. Malalaman kung ang bukol ay malignant o benign, kung kanser o hindi. Maganda ang hinaharap ng mga taong malaman na may bukol pala at agad magawan ng paraan ng maaga.

Huwag mahiya mageksamin ng sariling suso, huwag magatubiling kumunsulta kung may makapa.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.