Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Brgy chairman na nakabuntis ng esmi ng iba, sinuspinde

0 308

Suspindido nang limang buwan ang isang barangay chairman sa Hermosa, Bataan dahil sa umano’y relasyon nito at nakabuntis pa ng asawa ng isang overseas Filipino worker.

Nitong Lunes, nilabas ng Department of the Interior and Local Government ang order laban kay Brgy. Sumalo chairman Rolando Martinez kaugnay sa “Crime involving moral turpitude committed through having extramarital relations with a married woman.”

Noong isang taon ay napanood sa programang ‘Raffy Tulfo in Action’ ang pag-amin mismo ng naturang opisyal na nabuntis niya ang asawa ng isang OFW na taga-Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inireklamo si Martinez ng grupo ng kababaihan ng Sumalo dahil sa anila’y imoralidad ng kanilang kapitan.

Walong SB Members ng Hermosa ang sumang-ayon sa pamamagitan ng paglagda pabor sa suspensyon ni Martinez sa pangunguna ni Kon. Regalado Santos, Kon. Floyd Tungol, Kon. Cris Vitug, Kon. Luz Samaniego, Kon. Wilson Valencia, Kon. Bonifacio Florentino, Kon. Angelito Narciso, Kon. Roberto Rosel at SK Pres. Bea Lim.

Samantala, personal namang na sinaksihan ni DILG Hermosa Chief Vernita La Torre ang panunumpa sa tungkulin ni barangay Sumalo 1st Kagawad Magdalena Sanchez, bilang acting punong barangay ng sa harap ni Hermosa Mayor Jopet Inton bilang kapalit ni Martinez habang suspendido ito. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.