Abante Tonite Interactive

Brgy. chairman sa maynila nilikida

By
0 109

Nasawi ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in- tandem habang nakatayo sa harapan ng barangay hall sa panulukan ng Hermosa at Pilar Sts. sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ng Tondo ang biktimang si Marcelino Ortega, 42-anyos, chairman ng Barangay 199 Zone 18, dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ginagamot din sa nabanggit na pagamutan si Nicole Andrea Tan, 16-anyos, estudyante, na tinamaan ng ligaw na bala sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-2:58 ng hapon nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Nasa harap umano ng bara­ngay hall ang biktima nang biglang dumating ang tandem na suspek at kaagad na binaril ang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa ­motibo ng pagpaslang.

Inaalam pa rin kung may kina­laman sa iligal na droga o sa kanyang trabaho bilang punong ­barangay ang motibo ng pagpaslang sa biktima.